Bilyar 8 UK

Bilyar 8 UK - 3 mga taong naglalaro ngayon!

Ang libreng online game na 'UK 8-ball pool'ay nilalaro sa isang parihabang mesa na may anim na butas, 15 bola, at isang cue ball. Ang mga bola ay binubuo ng dalawang grupo, kinakatawan ng dalawang magkaibang kulay na mga bola at ang ika-8 bola na kulay itim.

Walang account pa?

Maikling Info sa Paano Simulan ang Laro

Paano simulan ang laro?

Para masimulan ang paglalaro, pwedeng pindutin ang Maglaro Ngayon buton sa itaas o kaya tingnan sa ibaba ang seleksyon ng room kung saan mo gustong maglaro. Ang laro ay magbubukas sa bagong window.

Kung hindi ka pa nakapaglaro noon, kailangan mong iinstala ang laro. Ang kautusan kung papaano ito gagawin ay makikita sa pahinang ito.

Kapag ang laro sa window ay nagbukas, may tatlong paraan para masimulan ang laro.

  • Ang pinakamadaling paraan ay pindutin ang QuickStart! at hintayin ang laro na automatikong maghahanap ng katunggali para sayo. Ito ay maaaring pinakamabilis na opsyon, Sa pagsisimula ng laro at may panibagong manlalaro pindutin angQuickStart! na nakita.
  • Ang ikalawang opsyon ay maghanap ng bakanteng mesa mula sa listahan ng mga bukas na mesa, at pindutin ang Sumali.
  • Kung gusto mong baguhin ang laro ayon sa iyong kagustuhan, pwede kang gumawa ng bagong mesa at pindutin ang Gumawa ng mesa ang buton ay makikita sa control panel box.

Kapag nagawa na ang bagong mesa at mayroon ka nang katunggali na handang maglaro, Pindutin ang Simulan at hintayin ang Kumpirmasyon ng iyong katunggali.

Paano maglaro Bilyar 8 UK

  • Pindutin ang puting cue ball para masimulan ang pagbaril. Sa panahon ng pagpatama, pindutin at hilain ang cue at baguhin ang posisyon ng mesa.
  • Pindutin ang cue stick at, habang hinahawakan, hilain ito para maasinta ang puting cue ball.
  • Hanapin ang cue stick sa control panel box. Pindutin at hilain ito pababa para malaman ang kalakasan ng pagbaril. Kung malayo ang paghila ng control panel cue stick, mas lalong lalakas ang puwersa ng iyong pagbaril.
  • Pindutin sa kanan, sa kahit na saang bahagi ng game window. Ito ay magiging dahilan para tamaan ng cue stick ang cue ball.

60-segundo Patakaran sa QUICK START

60-segundong alituntunin ng QUICK START Pool 8 UK
Pag-aralan laruin ang British Pool sa loob ng 60 segundo

  • Sa British 8 ball pool, ang makukulay na bola ay nahahati sa dalawang grupo (dilaw at pula.)
  • Ang laro ay sisimulan ng panimulang pag-asinta. Ito ay kapag ang isang manlalaro ay gumagamit ng cue ball para basagin ang tatsulok na porma ng makukulay na bola para kahit papaano 4 na makukulay na bola ang tatama sa relis.
  • Kapag ang makulay na bola ay naibulsa, ang manlalaro ay dapat maglalaan ng grupo ng mga bola na kanilang nais ibulsa (pwedeng dilaw o kaya pula).
  • Sa panahon ng laro ang manlalaro ay dapat umiwas sa fouls. Para sa iba pang impormasyon ukol sa fouls, maaari lamang basahin ang unang pahina.
  • Ang layunin ng kapwa manlalaro ay maipasok muna ang sariling grupo ng kanilang mga bola, at dapat ibulsa ang itim 8 na bola.

maraming impormasyon: Mga patakaran ng Bilyar 8 UK | link sa Wikipedia